Ang pagkain,damit, at tirahan ay mga batayang pangangailangan ng tao sapagkat hindi maaring mabuhay ang tao kung wala ang mga ito. Ang kagustuhan ay mga bagay na maaaring wala ang isang tao, ngunitmaaari parin siyang mabuhay. Hinahangad lamang ng tao ang mga ito upang makadama ng kasiyahan na higit pa sa natatamo sa mga pangunahing pangangailangan.
Batay sa teorya ni Abraham Harold Maslow, habang patuloy na napupunan ng mga tao ang kanilang batayang pangangailangan, sila ay naghahanap naman ng mas mataas na pangangailangan ayon sa pagkakasunod-sunod sa isang herarkiya.
Batay sa teorya ni David McClelland, ang pangangailangan ay may tatlong uri-- ang natamo, kapangyarihan, at pagsapi.
GOOD INFO WELL SAID!!! Sakit.info
TumugonBurahin