Ang Hunyo 21 ay idineklarang "Special non-working holiday" sa Tagaytay-- Araw ng Tagaytay. Ibig sabihin ang lahat ng paaralan at mga opisin ay walang pasok. Tuwing sasapit ang Araw ng Tagaytay maraming mga aktibidades ang ginagawa ng mga taga-Tagaytay. Sa araw na ito ay binibigyang halaga natin ang ating syudad. Isang araw para alalahanin ang mga mahahalagang parangal at papuri na natamo ng ating minamahal na siyudad. Ito rrin ang araw na tayo ay magpapasalamat sa pagbibigay sa atin ng isang napakagandang lugar na ating tirahan.
Ang syudad ng Tagaytay ay sadyang napakaganda, malinis, at organisado. At dahil dito naturingan itong "City of Good Character". Kaya saan ka pa? Dito na tayo sa Tagaytay!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento