Martes, Marso 10, 2015

KAGUSTUHAN AT PANGANGAILANGAN

 

Ang pagkain,damit, at tirahan ay mga batayang pangangailangan  ng tao sapagkat hindi maaring mabuhay ang tao kung wala ang mga ito. Ang kagustuhan ay mga bagay na maaaring wala ang isang tao, ngunitmaaari  parin siyang mabuhay. Hinahangad lamang ng tao ang mga ito upang makadama ng kasiyahan na higit pa sa natatamo sa mga pangunahing pangangailangan.

Batay sa teorya ni Abraham Harold Maslow, habang patuloy na napupunan ng mga tao ang kanilang batayang pangangailangan, sila ay naghahanap naman ng mas mataas na pangangailangan ayon sa pagkakasunod-sunod sa isang herarkiya.

Batay sa teorya ni David McClelland, ang pangangailangan ay may tatlong uri-- ang natamo, kapangyarihan, at pagsapi.


KONSEPTO NG KAKAPUSAN

Resulta ng larawan para sa KAKAPUSAN 

Kakapusan ng pinagkukunang-yaman at pangangailangan sa efficient na pagbabahagi ng mga pinagkukunang-yaman ang pangunahing suliranin na tinutugunan ng ekonomiks. Absolute ang kakapusan kapag nahihirapan ang kalikasan at tao na paramihin at pag-ibayuhin ang kapakinabangan ng pinagkukunang yaman. Relative ang kakapusan kapag ang pinagkukunang yamaan ay hindi makaagapaysa walang katapusang pangangailangan at kagusthan ng tao. Ang kakapusan ay likas na kaganapan sa pinagkukunang yaman. Nagiging isang panlipunang suliranin ang kakapusan kapag hindi nakakamit ng tao ang kanyang layunin.

 
IGLESIA NI CRISTO
Ang Iglesia ni Cristo ay isang relihiyong Kristiyano na nagmula sa Pilipinas noong 1914 sa pangunguna ni Felix Manalo. Nagpapakilala ang Iglesi ni Cristo bilang nag-iisang tunay na iglesya at nagsasabing sila ang muling pagbangon ng orihinal na Iglesya na itinatag ni Hesus at ang ibang simbahang Kristiyano, kabilang ang simbahang Katoliko ay mga liko.
Nagsimula ang INC  sa kakaunting kaanib noong Hulyo27,1914 sa Punta, Santa Ana,Maynila na ang punong ministro ay si Felix Manalo. Ipinalaganap ni Manalo ang kanyang mensahe sa kanyang pook at unti-unti niyang napalaki ang Iglesya. Noong namatay si Felix Manalo, taong 1963, ang kanyang anak na si Erano Manalo naman ay siyang humalili bilang ehekutibong ministro o tagapamahalang pangkalahatan at si Eduardo V. Manalo naman ang "deputy executive minister" o Tagapamahalang pangkalahatan.

 

EKONOMIKS SA PAGLIPAS NG PANAHON

 


  • ANG NAIDUDULOT NA KAPAKINABANGAN NG DESISYONG NAISASAGAWA NG TAO AY ANG KATUGUNAN SA KANYANG PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN. 
  • SA SINAUNANG GREECE UNANG SUMULPOT ANG MGA KAISIPAN NG EKONOMIKS. HALAW SA OIKONOMIA ANG SALITANG EKONOMIKS NA TUMUTUKOY SA PRINSIPYO NG PANGANGASIWA NG ISANG PINUNO.
  • ANG PANGUNAHING SULIRANIN SA EKONOMIKS AY KUNG PAANO MAGAGAMIT NANG PINAKAMAHUSAY ANG LIMITADONG PINAGKUKUNANG-YAMAN.
  • KAHIT BATANG DISIPLINA ANG EKONOMIKS SA PILIPINAS, NAKATUON ANG PAG-AARAL NITO SA PAG-UNLAD NG BANSA AT NG KABUHAYAN NG TAO.
  • ANG PAGSIBOL NG EKONOMIKS AY BUNGA NG PAGMAMALASAKIT NG MGA EKONOMISTA NA MAITAGUYOD NG PAMAHALAAN ANG MAAYOS  NA PAMUMUHAY NG TAO.

EKONOMIKS BILANG ISANG AGHAM PANLIPUNAN

 

          Ang agham Panlipunan ay isang sangay ng kaalaman kung saan pinag-aaralan ang mga pag-uugali ng tao habang sia ay nakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa at sa kapaligiran. Isang disiplina ng agham panlipunan ang ekonomiks. Nakatuon ang ekonomiks sa pagsasagawa ng tao ng mga desisyon bilang pagtugon sa suliranin ng kakapusan. Hinubog ang ekonomiks ng mga kaisipan at pamamaraan ng iba't ibang sangay ng kaalaman tulad ng agham, batas, matematika, at pilosopiya.

APOLINARIO MABINI

 

   Si Apolinario Mabini y Maranan, ipinangannak noong Hulyo 23,1864 sa Talaga, Tanauan, Batangas sa mahihirap na magulang na sina Inocencia Mabini at Dionisia Maranan. Sa kabila ng kahirapan nakapag-aral siya sa isang mataas na paaralan at nagpatuloy sa Colegio de San Juan de Letran na kung saann natamo ang katibayann sa pagka Bachiller en Artes at naging propesor sa Latin. Sa Unibersidad ng Santo Tomas naman siya nakapagtapos ng pagkaabogado noong 1894. Sumapi din siya sa La Liga Filipina nna itinatag ng ating  Pambansang zbayaning si Gat. Jose Rizal. Si Mabini ay nagkasakit noong taong 1896 ng "infantive paralysis" na lumumpo sa kanya.
   
 Si Mabini ay hinirang na opisyal na tagapayo ni Aguinaldo. Nang pasinayaan ni Aguinaldo ang pamahalaang Republika inatasan niya si Mabini bilang kalihim panglabas (Prime Minister) at pangulo ng mga konseho.
Noong ika-5 ng Enero,1901,si Mabini ay ipinatapon sa Guam, ngunit kusa siyang bumalik sa Pilipinas noong Pebrero,1903 kapalit ng panunumpa ng katapatan sa Estado Unidos. Siya ay nagkasakit ng kolera at namatay noong ika-13 ng Mayo,1903 sa Nagtahan,Maynila.

ARAW NG TAGAYTAY



           Ang Hunyo 21 ay idineklarang "Special non-working holiday" sa Tagaytay-- Araw ng Tagaytay. Ibig sabihin ang lahat ng paaralan at mga opisin ay walang pasok. Tuwing sasapit ang Araw ng Tagaytay maraming mga aktibidades ang ginagawa  ng mga taga-Tagaytay. Sa araw na ito ay binibigyang halaga natin ang ating syudad. Isang araw para alalahanin ang mga mahahalagang parangal at papuri na natamo ng ating minamahal na siyudad. Ito rrin ang araw na tayo ay magpapasalamat sa pagbibigay sa atin ng isang napakagandang lugar na ating tirahan.

           Ang syudad ng Tagaytay ay sadyang napakaganda, malinis, at organisado. At dahil dito naturingan itong "City of Good Character". Kaya saan ka pa? Dito na tayo sa Tagaytay!